<body> <body>



Friday, February 20 @ 9:55 PM

Falcon: naiinis ka na ba?

I visited our first-year site. Y'know, Falcon? Dun ko nakuha tong kalokohan na to.

1. name mo with "ism" sa dulo.
Maraism
2. eh ung name ng mother mo n my "ism" sa dulo.
Syempre, MAMAism
3. memorable place for you?
Science High, of course. (Awww..)
4. complete this "ako ay...
may lobo, lumipad sa langit. Deh?!
5. may letter H ba sa whole name mo?
Wala
6. ano meaning nun sa name mo?
Ha
7. sa tinagal mo dito s frendster, ano ang napala
mo?
Ako po'y nasa Blogspot. Pero may napala naman ako sa Friendster, nakuha ko yung mga pictures ng crushes ko.
8. kung ganun, nabusog k ba s kinain mo nung last
year?
Alin dun?
9. anung lasa nun?
Ayos naman. Pero minsan matabang, o kaya'y lasang crap.
10. ikaw gumawa nitong survey o copy paste lng?
copy paste
11. may PC ka ba s bahay?
Meron
12. ilang taon na?
Itong present na PC ay 3 years young pa lamang.
13. ang iyong lolo?
Hindi ko alam.
14. plagi k bng nagsasabi ng totoo?
Hindi.
15. anu pala ginagawa mo pag natutulog ka?
Pft. E di nananaginip ng Rated X.
16. cnu crush mo? (remember ung question sa #14)
Wala akong crush ngayon, ang boring nga.
17. san sya nakatira?
Wala nga.
18. kung ganun, ano ang tatak ng printer mo?
HP
19. gusto mo ba change topic tayo?
May magagawa ba 'ko?
20. ok, 100 plus 100 minus 300 devided
by 15.9 over 78.2 to the power of ten square
root?
My hand is my hussyfskap, good man as ye may see!
21. nasagutan mo ba ung tanong sa #20?
Chilling and killing my beautiful Annabel Lee!
22. essay, multiple choice, fill in the blank,
matching type?
Multiple Choice
23. kung sagutin ka ng nililigawan mo, sinu ang
character mo s tekken 5?
I don't play Tekken anymore.
24. kung kakain kau sa labas ng crush mo, saan mo
gusto mag-aral ng nursing?
sa Red Platter syempre
25. complete this "the day u said ______? it starts
w/ letter "G".
alam ko to! Gabay!
26. mali ang sagot mo.
Galis?
27. mali p rin. ang clue pag hinatid mo ang crush
mo sa bahay nila kapag gabi na...
Geh, bye na?
28. sirit na?
Gindi gama gung ganswer go?!!
29. The day u say Grabe!!! ang cute nya!! =)
Oh. Didn't know that.
30. anyway my pinapakinggan k bng music ngaun?
Wala.
31. anu yung song? at sinu kumanta?
Brrr.
33. sinu naaalala mo pag narinig mo ang kantang
Lupang Hinirang?
Ewan. Basta lang naiimagine ko si Marcela Agoncillo na nagtatahi.
34. blue o pink?
Purple.
35. chucky doll o barbie doll?
Barbie. Scared of Chucky.
36. APC o AMA?
Uh-huh...?
37. huling tanong... ginising ka na ba, para lang
matulog uli?
That would be nice.
38. last plss..

39. mahal mo na ba talaga sya?
Okay lang.

Labels: ,



Sunday, January 25 @ 2:12 PM

Batang 90's ka ba?

BATANG 90'S KA BA?

Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. Marami akong tex at pog noon but I never learned how to play. Inggit na inggit ako dun sa kaklase ko nung kinder/prep ang laki ng mga tex niya, Beast Wars.

May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.

Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno. Marami rin kami nito. Mga kinonfiscate ni Papa sa mga bata sa amin:]

Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store. Bumibili ako nito sa harap ng Colegio. Yung mga peborit ko ay yung Sailormoon at Rosalinda.

Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka. Kahit babae ako meron ako nun.

Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter.

Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo.

Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay.

Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay. Pati pa jersey, shorts, socks...

Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin. Hindi ako makatulog noon. Kaya ngayon binabawi ko nalang kapag Physics na.

Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.

Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. Guilty.

Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket.

Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak. Nilalagay ko lang sa bulak pero hindi ko alam yung alcohol at karayom technique. Sayang, naubos na tuloy yung collection ko, iba-ibang kulay pa naman yun.

May stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.

Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.

Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang. Hanggang ngayon, nasakin pa rin yung collection ko, hindi ko naman nagamit.

Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit. Haha. This is fun.

Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom. Peborit ko yung Dr. "wak-wak"at ayoko naman ng 10-20 kasi di ako makalagpas sa under-da-puwet saka sa hips.

Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura". Ballpen saka wipe out panlaban ko noon. Asensado.

Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze. Inggit na inggit kaya ako nun kay Rani. Nag-demo pa kasi siya ng mga features ng mahiwagang pencil case niya.

Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista. Wala ako nito. Langya. Gusto ko sana kaso baduy raw sabi ni Mama.

Sa coolman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.

Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.

Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone.

Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon.

Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo. Mario saka Tank (Battle City) peborit ko. Naging marahas ako dahil sa larong Mortal Kombat.

Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection. Tamagotchi with Infrared. Oh ha. . .pero hindi ko alam kung gumagana yun o design lang. Yung roller blades naman, palaging kong dala kapag makikipaglaro sa labas (pampainggit lang, di naman ako marunong).

Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko". Guilty:]

Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries.

Sumasayaw ka ng Macarena. Saka ng Barbie Girl at Shalala.

Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa.

Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands. May tago pa akong poster ng The Moffats.

Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands. Yay Eheads! Haha. Anong nagpapalda ang Parokya?

Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin. Na-master ko to^^

Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc. With matching actions pa.

Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo. Ako lagi si Power Ranger Pink.

Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad.

Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku.

Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: "Tato ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta...", "...Kontra Bulate!"

Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: "Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman... Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman.."

Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats. Lagi akong nakaabang nun sa CinemaOne, basta yung mga Pinoy movies channel.

Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Prats and Angelica Panganiban. ♥ it.

Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.

Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.

Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-labingdalawa... labingtatlo... labingapat-labinglima...Haha.

Napanood mo ang Batang X.

Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar.

Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles".

Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara. Nasty. I even watched the movie. Hehe.

Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Esperanza", "Anakarenina" atbp.

Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin. Super fan ako nun. Remember "Hey Babe"?

Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat."

Kinakanta mo yung "Thank God it's Sabado, pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy".

Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.

Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology. Never heard.

Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo.

Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.

Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na "Goodbye, England's Rose."

Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay.

Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. Nakikiuso lang ako nun e. Kung sino crush nung pinsan ko, crush ko na rin.


Feeling ko tuloy ang tanda ko na.

grabbed from kukaybakukay.multiply.com

Labels: , , , , ,



Sunday, December 21 @ 3:38 PM

The 10 Conyo-mmandments

The 10 Conyo-mmandments

1. Thou shall make gamit "make + pandiwa"
"Let's make pasok na to our class!"
"Wait lang! I'm making kain pa!"
"Come on na, we can't make hintay anymore!"

2. Thou shall make kalat "noh", "di ba" and "eh" in your pangungusap
"I don't like to make lakad in the baha nga, noh? Ed di ba it's like, so ewwwst, di ba?"
"What ba? Stop nga being maarte noh!"
"Eh as if you want naman also, di ba?"

3. When making describe a whatever, always say "It's SO pang-uri!"
"It's so malaki, you know, and so mainit!"
"I know right? So sarap nga eh!"
"You're making me so inggit naman, I'll make bili nga my own burger."

4. When you are lalake, make parang punctuation "dude", "tsong" or "pare"
"Dude, ENGANAL is so hirap, pare." (ENGANAL = Engineering Analysis in DLSU)
"I know, tsong, I got bagsak nga in quiz one, eh."


5. Thou shall know you know? I know right!
"My bag is so bigat today, you know."
"I know, right! We have to make dala pa kase the jumbo Physics book eh!"


6. Make gawa the plural of pangalans like in English or in Spanish
"I have so many tigyawats, oh!"

7. Like, when you can make kaya, always like. Like, I know right?
"Like, it's so init naman!"
"Yeah! The air-con, it's like sira kase eh!"


8. Make yourself feel so galing by translating the last word of your sentence, you know, your pangungusap?
"Kakainis naman in the LRT! How plenty the tao, you know, people?"
"It's so tight nga there, eh, you know, masikip?"

9. Make gamit of plenty abbreviations, you know, daglat?
"Like OMG! It's like traffic sa EDSA."
"I know, right? It's so kaka!"
"Kaka?"
"Kakaasar!"

10. Make gamit the pinakamaarte voice and pronunciation you have para full effect!
"I'm like, making aral at the Arrhneow!"
"Me naman, I'm from Lazzahl!"


O diba, bongga!

grabbed from Renzo

Labels: , , ,



Wednesday, August 13 @ 1:45 PM

uhn-nomatop-peya. paraduks, paraduks.


Kung mayaman ka, meron kang "allergy"
Kung mahirap ka,ang tawag dyan ay "galis" o "bakokang"

Sa mayaman, "nervous breakdown" dahil sa "tension and stress"
Sa mahirap, "sira ang ulo"

Sa mayamang "malikot ang kamay" ang tawag ay "kleptomaniac"
Sa mahirap, ang tawag ay "magnanakaw" o "kawatan"

Pag mayaman ka, you're "eccentric"
Kung mahirap ka, "may toyo ka sa ulo" o "may topak" o "may sayad"

Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may "migraine"
Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay "nalipasan ng gutom"

Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is "scoliotic"
Pero kung mahirap ka, ikaw ay "kuba"

Kung ang senorita mo ay maitim, ang tawag ay "morena" o "kayumanggi"
Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay "ita" o "negrita" o "baluga"

Kung nasa high society ka, you are called "slender" o balingkinitan"
Kung mahirap ka lang, you are plainly called "payatot" o "patpatin" o "ting-ting"

Kung nasa high society ka pa rin at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay"petite"
Kung mahirap ka lang, ikaw ay "pandak" o "bansot" o "unano" o "jabbar"

Kung socialite ka, ikaw ay "pleasingly plump"
Kapag mahirap ka at ika'y "mataba", "tabatsoy" o "lumba-lumba", pag minamalas ka, "baboy"

sKung well-off ka, at date ka rito, date ka roon, ang tawag sa iyo ay "game"
Kung mahirap ka ikaw ay "pakawala"

Kung mayamang alembong ka ang tawag sa iyo ay "liberated"
Pero kung isa kang dukha ang tawag sa iyo "malandi"

Kung may pera ka ang tawag sa iyo "single parent"
Pero kung wala kang trabaho ang tawag sa iyo "disgrasyada"

Health conscious ang tawag sa mayayamang puro gulay ang kinakain
Habang kakaawa ang mahirap na kumakain ng ganito

Sa exclusive school, "assertive" ang mga batang sumasagot sa mga guro
Pero pag ang mga mahihirap na bata ang sumasagot sa mga guro, ang tawag sakanila ay "walang hiya"

Ang mayamang tumatanda, "are graduating gracefully into senior citizenhood"
Ang mga mahihirap ay "gumugurang"

Ang anak ng mayaman ay "slow learner"
Ang anak ng mahirap ay "bobo" o "gunggong"

Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says, "masarap kang kumain and I like you, you do justice to my cooking"
Kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host will say to himself na ikaw ay "patay-gutom" o "hampaslupa" o "masiba"

Kung boss ka at binabasa mo ito sa PC mo, "okay lang"
Pero kung ikaw ay hamak na empleyado lamang, ikaw ay "nagbubulakbol" kaya forward mo na agad ito dahil nasa likod mo ang boss mo!


Credit: Shayne

Labels: ,



Sunday, June 29 @ 9:09 AM

Are You or Are You Not?

Are you for or against gay marriage?

-Ahm. I don't care actually.


Did you ever have a moment that you wish you could relive?

-Yeah, marami.


What do you want to do before you die?

-Hmm...>:-)


What is your favorite day of the year?

-Dami eh.


Do you say God Bless You when someone sneezes?

-No, I'm not used to doing that.


If your best friend stopped talking to you because of a new love partner, what would you do?

-Talk?


Are you always out and about on the weekends?

-No.


Do you have a least favorite day?

- Kapag malapit na ang deadline ng kung ano man.


Do you smoke / drink / do drugs / all of them / none of them?

-None of them. 0-:)


Have you ever watched over 4 hours of TV straight?

-Yeah.


How do you feel about life?

-Not perfect. But good.


Do you have any secret obsessions?

-Yeah. Hmm...


Is there anything that you want to tell someone right now?

-Yeah.


Honestly, do you miss being a child?

-Sometimes. But not really...I mean not YET.


Are you an only child?

-No.


Do you miss anyone?

-Yes.


What is one thing that you really want to do?

-Hmm...L! attack.


Do you ever want to visit another country?

-Of course.


What do you do to relax?

-SLEEP. Read. Internet.


Are you more introverted or extroverted?

-Extroverted.


Is there any word that you hate?

- I can't think of any.


Are you good at making first impressions?

-Yeah, I think so.


Are you thinking about any in particular?

-Any what?


Is there something that really annoys you?

-Someone. Fcuking yeah. Ever heard of Nica?


Have you ever been completely exhausted?

-Yeah. Twice. Taekwondo sessions.


What was the last movie you watched?

-Hmm. I think it was "Meet the Robinsons"


Do you enjoy football?

-Haven't tried.


Where were you born?

-Hospital.


If you had to pick one food to eat for a week, what would it be?


-Butter bread and raisin. OR pizza.

Have you ever broken a bone?

-No. Sprains and stuff.


What are you currently wearing?

-Clothes.


Are you afraid to voice your opinions?

-Sometimes.


If you had the chance to erase something from the past, but it wouldn't affect your future, would you?

-YEAH.


Have you lost respect for someone recently?

-Yes. Refer to Question #24.


When you talk to someone new, are you nervous?

- Um, no?


Do you believe in soul mates?

- No.


Do you enjoy war movies?

-Yeah.


When are you at your best?

- Pag tulog=)...Kapag hindi mainit, kapag relaxed ako. Yun.


Have you ever been disrespected?

-Yes. Refer to Question #24.


Did your parents raise you?

-Yeah.


What color do you feel represents you best?

-Orange?


And finally, are you happy with where you are in life?

- Not exactly what I wanted. But it's good. Never better.

Labels:



Thursday, May 8 @ 4:13 PM

burger.burger.burger.

I saw this tag in Naxcz's blog. Basically, the rules are:
1.) Read the title very carefully for at least three times,understand what it means.
2.) Write some words/things that pop into your head when you think about someone random you've met in high school (as many as you can).
3.) Then do what you want...make up your own rules.

DIANNE BALDOZA. Madre (oh gosh. peace). "Parang kapay..." Russ. SSG. Tall. Metallic-colored belts. Looong and loose pants. Braces. Marlon. Kuya Jorge. Mababaw ang luha. Friends. Rebekkah. Minkowski. Falcon. Ate Grace. Thick eyeglasses. SAVE ME.

REBBEKAH MARAÑO. Sir JP's mortal enemy. Math. Brains. Gladys. Super smile. Super laugh. Super neat handwriting. Reuben. Jolz. Jim. Marou. Cellphone. Text flings. Bangs. Dark Golden. Dianne. Sir Maskom's mortal enemy. SAVE ME. Knows the entire population of Science High. Cheeseburger.

ANDREA BERNARTE. USI. Madz. Ace. Zha. Shaunnah. Ceri. Debate. SAVE ME. Sophistication. European Studies. Elementary years. Callalily.

LAUREN ABAYON. DLMO practices (awww.nakakamiss). DLMO. Osiris. Bangs. Rani. Rica. Cheopz. DLMO swimming. Cellphone. "Cheerdance." Emo-lot.

RANI EUGENIO. BFF. People we hate. DLMO. Adik sa text. Ate Bangs! Our fcuk you ma'am's during ValEd period. Pagkontra namin sa mga ka-eklatan ni Sir Maskom during English Period. Alveric (and their break-up). Pagsabwatan namin para paunlarin ang Pilipinas. Dai man ko mayaman pag naaraman ko kung sisay si Quetzalcoatl.


JOERIC PAZ.
His just-got-out-of-bed hair style. His beaded bracelet (na nasira at ibinigay sakin, sama no?). DLMO practices. DLMO. "Cheerdance." His innocent lost boy look. Denise. Dyurik. His "birthday shirt." Ate Lauren. Ate Jonan. Wallet.

MARLON ABRIL. poh. hehehhe. birthday girl. online party. Lapilli. Lilian. Dianne. Patotina. DLMO. Friendster. YM. Basketball.

GERMAN CELERES. Denise. Ziri. Agta (peace.) bZtbUd. DLMO. TheSims. Sha. Ashley. Silver accessories. Naga Tiles. "Cheerdance." Ex-textmate [dai na kaya ako nagtitek ngunyan].


JOLZ ABANTE.
Mskatsz. Cedie. Bekai. Angela. YM. Corny jokes. Rama display image. Dapat proud ka sa boyfriend mo! (bwahaha! uto-uto si jolz...) Osiris. Trisha. 27 + 3 = 30, 22 + 2 = 24...and so on. Ex-Textmate.


DENISE CLAVERIA.
Joeric. Mga ex niya raw. Cellphone. DLMO. German. Ziri. Slide. Takot sa tubig. "Swimming lessons." Boylets. "Cheerdance."

TIN2 CO. Coooooooorrrrrnnnyyyyy. Some asungot na taguin nalang sa pangalang Eeyore. CCC. JJ. Tsinelas. Pooh. Pink. Pink AND Green. Jesus. Super religious. Mahinhin Maribukon. Grabe makilagan. Arm twisting (signature move niya). Hindi marunong magalit.

NAXCZ JACUTAN. naxczmachine. Ching. Ayra. Gummy worms. I do hate this name but I have to bear with this for as long as Naxcz is alive...marapotletpotikitot. Reuben. Just about anything mentioned in her blog.

SHAYNE LOPEZ. Her witty remarks. Crazy laugh na nakakadala. Jocel's laugh. Tsinelas. Celine. Marou. TeenTalk. Gay lingo. Math genius. Chemistry genius. Sleepovers for Research. Her Without Geometry, Life Would be Pointless. shirt. Korea cuties.

CELINE JAPLIT. Marou. Shayne. Another chemistry genius. CAT. Tuy. Brutality friend. The eye-to-eye symbolimajjig, we use our index and middle fingers to point to our eyes then to the other's. Sleepovers for Research. Korean cuties.

MAROU ROMERO. Her super pretty ate. Math genius. Talking without feelings. Palang. Jemar. Her rather flat forehead [sabi nila!]. Korean cuties. Her cute way of being galit. Her wa-feeling but still cute way of saying that-CAT-command-that-I-forgot-thingamajjig.

RAMA RANCES. Longest time I had a crush on someone. Disproves the saying "Absence makes the heart forget." Eeeww I'm getting all mushy. Chikboy dance. Killer smile na nawawala ang eyes. Runaway by Hale. Knightmares.

VIC2 DELA CRUZ. Text lingo. Boylets. Deewa's kambal. Cellphone. Rubik's cube. Nosebleed. Mga achu2ness namin.

RICA PACARDO. Bangaw [oy bako ako nagkakantsaw kayan!!]. The way she delivers speeches. Bangs. Claudz. Tabismis. Kadaldalan niya. Trizia. Grabe tumawa.

Labels:



Profile.

Mara
super sweet 16 (anu to exiled??)
lovesreading.wordplay.food.harry
potter
andallthingsrelated.
eraserheadsandallthingsrelated.
guitarheroIII.
CIRCUSfreak.
gradeoneCITIZEN.
♥Ǝ♥

Website Design
Website Design

PLEASE TELL ME IF THE FONT'S TOO SMALL OR IF IT'S TOO STRAINING TO READ.

Links.

.german. shayne. jakii. marou. kevin. bert. alfred. russ. alex. jay. xedric. erron. claudz. danica. cledz. tin. sarah. gien. zaldy. alina. cj. donna. naxcz. rica. edzzz. rai. bekai LISTVERSE

Tagboard.





History.
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
November 2007
December 2007
January 2008
March 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008
December 2008
January 2009
February 2009
March 2009
April 2009
May 2009
June 2009
July 2009
August 2009
September 2009
October 2009
November 2009


Credits.

Layout: I
Fonts: I
Image: I
Brushes: I II