Saturday, June 13 @ 10:06 AM
Naghahanap pa
Ayan. Wals nanaman akong maisip na ilagay dito. Kapag wala ako sa tapat ng PC, andami kong naiisip.
Nasa comshop ako. Isa lang ito sa pagkarami-raming comshop sa shopping center sa UP. Yeah, kala mo kung ano na yung shopping center dito. Ako rin kala ko kung ano na. Pero okay naman siya. Aircon ang shops.
6AM. Nagising ako. Wala lang nagising lang ako. Tapos natulog ulit.
7:08. Nagtext si Alfred kakain na daw kame. Ah okay. Ang saya ko, ang aga ko nagising=D
around 7:15. Punta kami sa mess hall ng Kalai. Bihon at tsokolate. Nakita nbamin si Yna/Ina/basta 'eeh-na' sa kabilang table.
around 8AM. Balik kami sa rooms. Maghuhugas ng stuff. Kasama ko si Lorraine. Naabutan ko sa room si Claudz (roommate ko, wow close!=D) kasama Dad niya.
After nun, bagpraktis kami ng poasikot-sikot sa UP at hinanap ang mga buildings namin. To Palma HallAS muna. Mali yung itinuro kong daan kaya mejo nag-exercise muna kami. Nakaabot kami sa Magsaysay Ave. O dba? Hinanap namin ang Penafrancia at San Felipe. O db nakakatawa ang joke ko. =D Nadaanan namin ang Vanguard at iba pang mga lugar na nde ko pa napupuntahan bago namin nakuha ang PH. Fine, AS.
Labels: everyday, pre-UP ramblings, tagalog-tigalowg, unfinished buiness, UP