Kakalungkot lang kasi hindi kumpleto yung Tsinelas dahil wala si Shayne. Hindi rin kumpleto yung True Friends kasi wala sina Bojewa, Effie and Abee. Wala rin sina Joeric, Ate Danica and Edlyn. Pero pinaka-nakakalungkot talaga ang hindi pagdating ni Jollibee and Friends! Huhuhuhu...
Okay na.
So anyway binalikan ng mga people yung handa namin the next day at napawi ang aking loneliness. Talagang lonely ako dito sa bahay at walang magawa kung hindi maggitara, maghithit ng Baygon, mag-tennis, golf, boxing, baseball at bowling na nag-iisa, kumain pagkatapos, tumunganga sa kompyuter habang nag-iisip kung ano ilalagay sa blog, mag-isip kung paano isasauli kay Tin yung panyo, mag-isip ng requirements sa UP, mamroblema ng dandruff, managinip ng kung anu-ano...yun. Binabawi ko na wala akong magawa. Balik sa pinag-uusapan. Nag-teks si Alfred kung pwede silang lima makikain. Aila, Raymund, Alfred, Zelita at Bryan. Ayun, pagdating sa bahay naging siyam.
Hindi ko alam kung paano tatapusin tong post.