Wednesday, April 16 @ 12:21 AM
let'z partey!♪♪♫
Gas. Ala-una na pala. Hindi ko namalayan ang oras sapagkat ako'y nakikipag-daldalan kina German at Marlon. Ginamit namin ang Komperensiya sa Yehey! Tagapagpadala.
Kaarawan kasi ngayon ni...[gumugulong na tambol...] Mara. Oo, ako nga iyon. Habang ako'y nakikipagdaldalan sa dalawa kong kaibigan, nabanggit ni Marlon ang ang aking kaarawan. Sabi naman ni German ay magpakain daw ako. Ngunit tumanggi ako. Agad namang nag-alok si German at Marlon ng isang bukas-linyang selebrasyon ng aking kaarawan. Parti. Kaya naman:
ito! Pagkatapos ng maikling selebrasyong iyon ay naiba na ang aming usapan. Binuksan ni Marlon ang usapan hinggil sa problema sa
friendster. Marahil ito raw ay problema sa
internet koneksyon sa
Caceres Cable. Sabi niya'y magreklamo raw kami sapagkat nagbabayad naman kami ng tama. At ganun na nga:

hindi yan. Yun lang naman. Natutuwa lang naman kasi ako sa mga pinaggagawa namin. Hehe.
Marahil ay hindi naman kayo maka-sumpay (o ha?) o kaya'y hindi niyo naman maintindihan kung bakit nandito ang posteng (?) ito. Wala lang. Mabuti naman.
Labels: everyday